Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag ni Communist Party of the Philippines o CPP Founding Chairman Jose Maria Sison na na-comatose siya.
Ayon kay Pangulong Duterte, sa katunayan ay nananatiling malusog ang kanyang pangangatawan.
Sa pamamagitan ng live streaming sa Facebook, ipinakita rin ng Pangulo ang babaeng kasama niyang mag-dinner.
“Joma, ang wish ko sa buhay lumabas ka na walang ka nang silbi sa mundong ito mabubuhay ka pa rin ng mga 1,000 years para ikot ng ikot ka lang dito sa mundo. I’am alive, fairly healthy and I’m having dinner with the with a beautiful lady from Davao. She’s Vernice (Vernice Victorio), she’s on leave from Harvard, babalik yun. I invited her to discuss some things along the way when she comes back. Ok pa naman ako sabi nila comatose, how can you be comatose with a beautiful lady? Kung comatose ako makita ko si Vernice talagang babangon ako.” Pahayag ni Duterte.
Bandang huli, sinupalpal muli ni Pangulong Duterte si Sison na siyang tunay na may sakit.
“Ikaw ang comatose, ikaw yung may sakit. Alam ang totoo lang complain na rin ang Netherlands kasi labas-pasok ka sa hospital hindi ka naman nagbabayad. You are not paying you’re abusing the hospitality of the Netherlands. If you think that you are sick, come home and I’ll bring you to a place, it’s called “Bilibid”. Pero doon we will provide you your space, a bed and a plenty to keep you in company.” Ani Duterte.
—-