Inaasahan na ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na gagawa ng paraan ang Commission on Human Rights (CHR) upang idiskaril ang kanyang kandidatura sa 2016.
Ayon kay Duterte, noon pa man ay alam na niyang malaki ang magiging papel ng CHR para sirain ang kanyang kandidatura lalo’t bukas na aklat, ang kanyang buhay pagdating sa kampanya laban sa mga kriminal.
Sa pagdiriwang ng International Human Rights Day, sinabi ni CHR Chairman Chito Gascon na dapat busisisin ng Philippine National Police at iba pang law enforcement agencies ang mga kaso ng mga umano’y pagpatay ni Duterte.
Sagot ni Duterte, walang problema sa kanya ang gagawing imbestigasyon basta’t makatotohanan anya at walang halong pamumulitika.
Kung matatandaan, maka ilang ulit nang sinabi ni Duterte na may mga napatay na siyang criminal at ganun din anya ang mangyayari sa mga taong gagawa ng iligal na aktibidad kapag siya na ang pangulo ng bansa.
By Jonathan Andal