Inamin ni dating pangulong Rodrigo Duterte na nagtatanim sila ng ebidensya sa isang hinihinalang kriminal noong siya pa ang alkalde ng Davao City.
Ginawa ng dating pangulo ang pag-amin sa gitna ng pakikipagdiskusyon kay Quadcomm Co-Chairman Dan Fernandez, na nagbahagi ng video clips sa gitna ng pagdinig ng komite.
Matapos ipakita ang naturang video, dito na natanong ng kongresista kung totoo ba ang nilalaman at ipinakitang clips na nakuha mula sa ibat ibang pahayagan.
Agad na binago ng dating pangulo ang naunang pahayag at idiniin na totoo ang lahat ng ipinakita sa pagdinig.
Ayon sa dating pangulo, ang pagtatanim ng ebidensya ay bahagi ng kaniyang strategy bilang alkalde at lider ng law enforcement agency sa Davao City kung saan, alam ng mga pulis ang planting of evidence sa kanilang operasyon.