Inamin mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na inutil ang kanyang administrasyon sa pakikipagtuos nito sa China upang maibalik sa bansa ang mga isla na hawak ngayon ng naturang bansa.
Ayon sa pangulo, makapangyarihan at armado umano ang China sa pakikidigma —bagay na kung saan ay mahina ang Pilipinas.
China has the arms. We do not have it. So it’s simple as that. They are in possession of the property,” ani Duterte.
Maaari aniya na kayanin ng ibang pangulo ang isubo sa pakikidigma ang bansa, ngunit hindi aniya kakayanin ng Pangulong Duterte na hayaang mamatay na lamang ang mga sundalo ng bansa sa pakikipag-giyera na isang paraan upang makuhang muli ang mga isla.
Handa aniya siyang amining inutil siya sa naturang sitwasyon, at diplomasya umano ang paiiralin sa naturang usapin.
Unless we are prepared to go to war, I suggest we just treat this as a diplomatic endeavor,” ani Duterte.