Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na lubha siyang nag-aalala sa tumitinding tensiyon sa pagitan ng Iran at Amerika.
Kasunod ito ng pagkamatay ng mataas na opisyal ng Iran matapos itong mamatay sa naging pag-atake ng Amerika sa sinasakyan nitong helicopter sa Iraq.
Ayon sa Pangulo, malalagay sa panganib ang buhay ng maraming OFW doon sakaling magsimula na ang giyera sa pagitan ng naturang mga bansa.
Kaugnay nito, umapela ang Pangulo sa finance department at kongreso na maghanda ng malaking halaga para sa repatriation ng mga OFW sa Middle East.
We need billions there standby lang, and calculate what would be the calibrate withdrawals first in places where it is really dangerous, majority of them are in Saudi Arabia,” ani Duterte.