Muling inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang planong pagbisita sa Kuwait.
Kasunod ito ng pagkakaaresto at pagpapakulong sa among kuwaiti ng pinaslang na Overseas Filipino Workers (OFW) na si Jeanalyn Villavende.
Ayon kay Pangulong Duterte, maituturing itong pagsisilbi na ng hustisya para sa dinanas na hirap ni Villavende sa kamay ng kanyang mga amo.
Sinabi ng Pangulo, kung siya ang masusunod nais niyang mapugutan ng ulo ang mga employers ng nabanggit na OFW.
Magugunitang nagpatupad ng total deployment ban ang Pilipinas sa Kuwait kasunod ng pagkasawi ni Villavende at natanggal lamang noong nakaraang buwan matapos maaprubahan ang employment contract ng Filipino domestic worker sa Kuwait.