Inatasan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Land Bank of the Philippines na tanggapin ang mga Certificate of Land Ownership Awards (CLOA) na iginagawad ng gobyerno sa mga magsasaka bilang collateral sa mortgage.
Ito, ayon sa pangulo, ay para makapagsimula ang mga magsasaka dahil hindi makahiram ng pera sa bangko ang mga ito ng walang titulo ng lupa.
Sinabi ng pangulo na dapat nang tanggapin ng Land Bank ang mga CLOA para makautang ng pera ang mga magsasaka.
Una nang inihayag ng Department of Agrarian Reform (DAR) na halos 50,000 agrarian beneficiaries na ang nabigyan ng CLOA o katumbas ng 71 ektarya ng lupain.