Inatasan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang tagapamahala ng komunikasyon ng Malacañang na ipaunawa nang mabuti sa mamamayan ang mga pagbabago sa mga lugar na paluluwagin na ang mga panuntunan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa pangulo, mahalaga na maunawaan ng taongbayan kung sinu-sino lamang ang puwedeng lumabas at kung sino ang hindi pa rin pupuwedeng lumabas at kung bakit kailangan itong gawin.
Muling ipinaalala ng pangulo ang mga basic protocols tulad ng social distancing at pagsusuot ng facemask.
Binigyang diin ng pangulo na bagamat kailangan nang unti-unting buksan ang ekonomiya, hindi na kakayanin ng bansa na magkaroon pa ng second o third wave ng pagkalat ng COVID-19.
Remember, the easing up of the restrictions, hindi ‘yan [ibig] sabihin na wala na ang COVID just because we allowed certain people, dahan-dahan lang para hindi tayo madapa. Because we cannot afford a second or third wave na mangyari, ito ‘yung mga bagong mahawa na naman, at rarami na naman,” ani Duterte.