Isinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay US President Donald Trump ang pagsipa ng inflation sa Pilipinas.
Sa kanyang pagharap sa Filipino community sa Jordan, sinabi ng pangulo na bahagi ng inflation na nararanasan sa bansa ay epekto aniya ng mga polisiyang ipinatutupad ng pangulo ng Amerika.
Matatandaang nitong Agosto, pumalo sa 6.4 percent ang inflation rate na pinakamataas sa loob ng siyam (9) na taon.
“Inflation is dahil yan kay Trump when he raised yung mga tariff and banned other items.” Pahayag ni Duterte.
Samantala, tiniyak rin ng pangulo na kumikilos ang pamahalaan para ibsan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
“I am not apologizing. There is really inflation in the Philippines and we are trying to control it.” Ani Duterte.