Inilaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang isang buwan nyang sahod para sa pondong pantugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Inianunsyo ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos ihayag ng ilang cabinet secretaries na ido-donate nila sa COVID-19 fund ang 75% ng kanilang sweldo mula ngayong Abril hanggang Disyembre.
Direkta rin anyang ido-donate ng mga assistant secretaries mga tanggapan sa ilalim ng kanyang tangapan bilang chief presidential legal counsel at presidential spokesman ang 10% ng kanilang sweldo.
Ayon kay Panelo, marami pang opisyal ng Malakanyang ang nagboluntaryong magpabawas ng sweldo para ilaan sa COVID-19 fund habang umiiral ang state of public health emergency.