Inireklamo ng crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Naniniwala si Atty. Neri Colmenares, National Chairperson ng National Union Of Peoples’ Lawyers (NUPL) na ang Pangulo ang pinaka-responsable sa mga nangyayaring ‘extrajudicial killings’ (EJK) na bumibiktima ng libu-libong Pilipino na sangkot sa bawal na gamot.
Sinabi ni Colmenares na batay sa isinampa nilang reklamo kasama ang mga pamilya ng mga biktima ng drug-related killings, halos 23,000 na ang nasawi sa pag-atake ng Duterte administration sa mga sibilyan sa pamamagitan ng ‘Oplan Double Barrel’ ng Philippine National Police (PNP).
Umaasa si Colmenares na bago matapos ang Disyembre ay may desisyon na ang prosecution ng ICC sa kasong isinampa nila laban sa Pangulong Duterte.
—-