Ipinag-utos ni Pangulong Rodriog Duterte ang pagpapatupad ng temporary travel ban sa lahat ng turistang magmumula sa mainland China, Hong Kong at Macau.
Ito ay sa gitna pa rin ng pagkalat ng 2019 novel coronavirus mula sa Wuhan, Hubei Province.
Ayon kay Senador Christopher Bong Go, binigyang konsiderasyon ng Pangulo ang mga concern na ipinaabot ng mga opisyal ng gobyerno at ilang health experts.
Nagpasya ang Pangulo na pakinggan ang mga suhestiyon para magrekomenda at agad na magpatupad ng precautionary measure para protektahan ang mga Filipino.
Una nang ipinagbawal ng Pangulo ang pag babawal sa pagpapasok sa bansa ng mga biyahero na mula sa Hubei Province kung nasaan ang Wuhan City na siyang pinagmula ng bagong coronavirus.