Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pambansang pulisya na pangalagaan ang kapakanan ng mga health workers sa bansa na patuloy na lumalaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y matapos na mabalitaan ng Pangulo ang insidente sa Sultan Kudarat, kung saan sinabuyan ng bleach ng limang suspek ang isang nurse na papunta sana sa kanyang trabaho.
Dagdag pa ng Pangulo, dapat aniyang magpatrolya ang pinagsamang pwersa ng pulisya at militar para hanapin ang mga suspek sa naturang pangyayari.
Nauna nang kinundena ng Department of Health (DOH) ang insidente. Samantala, binigyang diin ng Pangulo na patuloy ang suporta nito sa mga health workers na nangunguna sa laban ng bansa kontra COVID-19 at sisiguraduhin ding ligtas ang mga ito.
Sa panulat ni Ace Cruz.