Hindi napigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling magbitaw ng “punchline” sa kalagitnaan ng PDP-laban convention sa San Fernando, Pampanga.
Sa kanyang pagharap sa mga miyembro ng partido mula sa paksyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi na karamiha’y lalaki, ipinagmalaki ng Pangulo ang pagkakaroon niya ng dalawang asawa.
Ako ay naniniwala sa Diyos,ako maybe a good father. Ako ay may dalawang asawa at marami naman kami dito, hindi lang alam ng iba. Yung iba naman harap-harapan. Pare-pareho lang tayo. You know men are…lahat tayo babaero, e dalawa nga ang asawa e’,”pahayag ng Pangulong Duterte.
Inihalintulad din ng Pangulo ang pagkakaroon ng dalawang misis sa pagkakaroon ng reserbang gulong.
Mismong ang sasakyan ninyo may reserba , iyan sasakyan iyan, tao pa kaya, ikaw ba plat ka iiwanan ka ng asawa mo,kasi hindi kayo magkaintindihan,pagkatapos niyan merong maghiwalay na walang babae, maghiwalay lang,ngayon wala kang reserba, papaano?—sa panulat ni Drew Nacino