Ipinagpapasa-diyos na lamang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang buhay.
Ito ayon kay Vice President Sara Duterte, ay sinabi ng kanyang ama matapos niya itong bisitahin sa Hague penitentiary institution.
Kasabay nito, nanindigan si VP Sara na hindi sila susuko at haharapin nila ang kaso ng dating pangulo.
Ang nakatatandang Duterte ay kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court dahil sa kasong crimes against humanity dahil sa ipinatupad na drug war campaign ng kanyang administrasyon. —sa panulat ni John Riz Calata