Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang araw ng November 29, 30 at December 1 bilang bayanihan, bakunahan National COVID-19 Vaccination days.
Sa ilalim ng Proclamation 1253 na inilabas ng pangulo, kahapon ika-24 ng Nobyembre.
Papayagan ang mga empleyado sa pampubliko at pribadong sektor na kumuha ng kanilang bakuna kontra COVID-19 nang hindi mamarkahan ng absent kung makapagpapakita ang mga ito ng patunay na binakunahan sila sa loob ng vaccination days.
Target ng gobyernong mabakunahan ang nasa 15 milyong indibidwal mula Nobyemre 29 hanggang unang araw ng Disyembre.—sa panulat ni Joana Luna