Ipinauubaya na ni Pangulong Rodrigo Duterte kay house speaker Gloria Macapagal Arroyo ang pagpili sa papalit sa kanyang pwesto.
Sa talumpati ng pangulo sa oath taking ng mga lokal na opisyal sa Malakanyang, inatasan nito si Arroyo na mamili ng susunod na maging house speaker kina Congressmen Lord Allan Velasco, Alan Peter Cayetano, Martin Romualdez at Pantaleon Alvarez.
Aniya, nakausap na niya si Arroyo at ang mga kandidato sa pagka-house speaker sa thanksgiving party ng Hugpong ng Pagbabago sa Makati City.
Ayon sa pangulo, ayaw niyang ipasa sa kanya ang pagpili ng susunod na magiging lider ng Kamara dahil ayaw niyang makibahagi sa agony lalo pa’t pawang mga kaibigan niya ang mga ito.
Wala aniyang problema kung sino man ang maging speaker basta siguraduhin lamang na ito ay isang Filipino.