Isinailalim ng Pangulong Rodrigo Duterte sa state of calamity ang regions 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa matinding pinsala mula sa Bagyong Ompong.
Nakasaad sa Proclamation 593 ang deklarasyon ng state of calamity sa apat na rehiyon para mapabilis ang rescue, recovery, relied and rehabilitation efforts ng gobyerno, pribadong sektor kabilang ang International Humanitarian Assistance.
Paiiralin din ang price control sa mga pangunahing bilihin sa mga naturang rehiyon.
Samantala, isinailalim din sa state of calamity ang buong Naga City sa Cebu.
Sinabi ni Naga City Mayor Christine Chiong na magagamit na nila ang kanilang quick response fund para matugunan ang pangangailangan ng mahigit 1,000 na pamilya o halos 8,000 na indibidwal na nasa mga evacuation center sa lungsod.
Sa ika-walong araw na paghuhukay sa ground zero kahapon pumapalo na sa 64 na ang patay at 21 pa ang nawawala.