Isinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos ang pagiging malapit niya sa China.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga Filipino-Chinese businessmen sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong Duterte na mismong ang U.S.ang nagtulak sa kanya papalapit sa China.
Ito ay matapos aniyang dalawang U.S. congressmen ang nagsulong na ipatigil ang pagbili ng mga armas ng Philippine National Police sa kanilang bansa.
Gayundin aniya ang pagtawag sa kanya ng mga ito bilang violator o lumalabag sa karapatang pantao bunsod ng mga naitatalang nasawi sa ilalim ng kampanya kontra iligal na droga.
Dagdag ni Pangulong Duterte, ito rin ang naging dahilan kaya lumapit din siya sa Russia para bumili ng mga aramas.
Binigyang diin naman ng pangulo na walang hininging kapalit ang Russia at China sa pagbibigay at pagbebenta ng mga ito ng armas sa bansa.