Itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte ang abogadong si Michael Peloton bilang commissioner ng Commission on Election (COMELEC).
Si Peloton na kapalit nang nagretirong si Commissioner Luie Tito Guia ay manunungkulan hanggang ika-2 ng Pebrero, 2027.
Winelcome naman ni COMELEC Chairperson Sheriff Abas ang appointment ni Peloton na ang malawak na karanasan sa law and information technology ay makakatulong ng malaki para mapalakas at mapaayos ang electoral processes.
Isa pang opisyal ng COMELEC ang nakatakdang italaga ng Pangulong Duterte kapalit ni dating Commissioner Al Parrenio na nagretiro noong Pebrero.