Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pangalawang Pangulo na si Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.
TINGNAN: Pangulong Rodrigo Duterte, itinalaga si Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs pic.twitter.com/ROZpOWMKTf
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 5, 2019
Ito mismo ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kung saan, binibigyang-kapangyarihan aniya ng naturang posisyon si Robredo na pangasiwaan ang mga drug enforcement agencies at mga tanggapan, kabilang na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Dangerous Drugs Board (DDB) at ang Philippine National Police (PNP) hanggang sa matapos ang kanyang termino sa ika-30 ng Hunyo sa taong 2022.
Umaasa aniya ang Malacañang na makita ng mga kritiko ng Administrasyong Duterte na sinsero ang pangulo sa kanyang alok kay Robredo.
Samantala, wala pang komento rito si Robredo kung saan nakabinbin pa rin ang opisyal na sulat mula sa Palasyo kaugnay sa alok ng pangulo.
Dagdag pa ni Panelo, maaari aniyang tanggihan ng pangalawang pangulo ang pagtatalaga sa kanya bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs kung kanyang nanaisin.