Kinakailangan nang mabigyan ng special powers ng Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte para malabanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang paniniwala ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda upang mapalawig pa ang kakayahan ng pamahalaan para sa agarang pagtugon sa nararanasang public health emergency.
Ito rin aniya ang dahilan ng kanyang panawagan para sa isang virtual session sa Kamara noong nakaraang linggo.
Samantala, kumpiyansa naman si Salceda na makakukuha ng sapat na bilang ng miyembro ang Kamara upang magbalangkas ng batas na magbibigay ng emergency powers sa Pangulong Duterte.