Kakausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang economic team kaugnay sa panukalang 14th month pay para sa mga empleyado sa pribadong sektor.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nais malaman ng Pangulo ang parameters sa pagbibigay ng dagdag na benepisyo hinggil sa nasabing panukala na nakabinbin sa Senate Labor Committee.
Una nang umapela ang ilang grupo ng mga manggagawa sa liderato ng Senado na kaagad ipasa ang anila’y dagdag na tulong sa mga obrero dahil sa patuloy na pagtas sa presyo ng mga bilihin.
Nakasaad sa panukala na tatanggap ng 14th month pay ang lahat ng mga manggagawa kasama na rito ang mga bagong pasok na empleyado na nakapagbigay na ng serbisyo sa loob ng isang buwan.