Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Commission on Human Rights chairman Chito Gascon kaugnay sa batikos nito sa dumaraming insidente ng pagpatay ng mga awtoridad sa mga kabataan.
Kinuwestyon ni Pangulong Duterte kung ano ang tunay na motibo ni Gascon sa pagka-humaling umano nito sa pagtutok sa mga kaso ng pagpatay sa mga kabataan.
Sa halip na tutukan ang mga problemang nakasasagabal sa bansa gaya ng kaguluhan sa Marawi City ay mas pinili anya ni Gascon na makisawsaw sa war on drugs ng gobyerno.
Itong si Gascon, ilang araw na puro teenager ang pinapansin, parang pedophile, bakit ka mahilig masyado sa teenager? Nagdududa talaga ako… Bakla ka, o pedophile ka? Everyday a policeman dies, hindi naman napa-publish ng media. Just because na maraming namamatay na teenagers, it doesn’t mean na we have to stop.
CHR chair Chito Gascon, aminadong nasaktan sa mga patutsada sa kanya ni Pangulong Duterte
Aminado si Commission on Human Rights chairman Chito Gascon na nasaktan siya sa banat ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa siyang pedophile.
Ayon kay Gascon, nakalulungkot ang mga masasakit na patutsada sa kanya ni Pangulong Duterte.
Kahit paano anya ay umaasa siyang matitigil o mababawasan ang mga natatanggap niyang batikos mula sa punong ehekutibo upang maging maayos ang pagtutulungan ng ehekutibo at iba pang government agency.
Iginiit ni Gascon na bagamany may mga pagkaka-iba sa pagitan ng tinatahak na posisyon ng CHR, dapat itong tingnan ng Executive branch bilang bahagi ng checks and balance system ng demokrasya.