Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nagpahinga lamang siya sa Davao City ng ilang araw simula nang kumalat ang balitang na-comatose umano siya.
Sa kanyang talumpati sa event ng League of Municipalities sa Cebu City kagabi, inihayag ni Pangulong Duterte na panonood lamang ng mga pelikula sa bahay ang pinagkaka-abalahan niya mag-hapon.
“Si Sison (Jose Maria Sison) I don’t know what he means by comatose ako. Nasa kama lang ako. Comatose? Matagal pa ako. You know Mr. Sison you are a refugee in that country (Netherlands), you are willing of the funds of the Norwegian people. You do not pay anything, you are stealing for free and you are sick with cancer in and out of the hospital.” Pahayag ni Duterte
Palaisipan pa para sa Punong Ehekutibo kung saan nakuha ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison ang tsismis na malubha ang kanyang sakit.
Samantala, may payo naman ang Pangulo sa kanyang dating college professor na si Sison.
“Ask another country to accept you, to give you the refuge or the right of sanctuary because you are sick you might go to some perhaps Belgium or Germany. You stop. Kawawa ang Norwegian people they are footing the bill and you are the rebel that is a free loader. Nag-free load ka lang diyan so stop it mahiya ka naman and you will never win I assure you.” Ani Duterte
—-