Binanatan at tinawag na sinungaling ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo.
Ito ay kasunod aniya ng paghahanap sa kanya ng pangalawang pangulo sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Rolly at Ulysses kung kailan nag-trending din ang #NasaanAngPangulo.
Sa kanyang lingguhang ulat sa bayan, sinabi Pangulong Duterte na hindi siya natutulog noong araw na tumama ang Bagyong Ulysses.
Ayon kay Pangulong Duterte, dumalo siya sa virtual ASEAN Summit noong nabanggit na araw at sa kabila aniya nito ay nakamonitor pa rin siya sa sitwasyon.
I would like to give a caution to the Vice President. She made a blunder, a big one, and she practically lied, making her incapable of truth. Iyong pakana niya na wala ako noong bagyo, I was here. I was attending the ASEAN Summit,” ani Pangulong Duterte.
Kasabay nito, binatikos din ng pangulo ang aniya’y pagbibigay ng utos ni Robredo sa Armed Forces of the Philippines para sagipin ang mga biktima ng malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela.
Binigyang diin pa ng pangulo na hindi na kailangan niyang maglabas ng utos sa mismong panahon ng pananalasa ng bagyo dahil una na aniyang nakaposisyon ang mga ahensiya at kagamitan.
Hindi mo na kailangan orderin ‘yan sila kasi two days before, deployed na ‘yan sila doon,” ani Pangulong Duterte.
Magugunitang sa magkakasunod na Twitter post ni Tobredo noong Biyernes, nagbibigay ito ng update hinggil sa sitwasyon ng mga na-trap na residente sa Cagayan na humihingi ng tulong.
Duterte sakaling tumakbo sa pagka-pangulo si Robredo: ‘This is your nightmare’
Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Vice President Leni Robredo, oras na magpasiya itong tumakbo sa pagka-pangulo sa susunod na halalan.
Ayon kay Pangulong Duterte, marami siyang nais sabihin kay Robredo pero kanya na lamang itong irereserba sa panahon ng kampanya.
Sinabi pa ng pangulo, wala aniyang ginawa si Robredo kundi ang magpaganda ng imahe at magtawag lamang ng tulong.
During the campaign, papaalis na ako. Sige subukan mo. Matagal na ako maraming gusto sabihin sayo. Ireserba ko. When you start your campaign pag magtakbo ka ng presidente, waswasan kita nang husto. This is your nightmare,” ” ani Pangulong Duterte.
Nagbabala rin si Pangulo Duterte sa bise presidente na huwag magsimula ng away o pakikipag-kumpetensiya sa kanya.
Do not compete with me. Do not start a quarrel with me,” ani Pangulong Duterte.