Ganito isinalarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo.
Sa kanyang pahayag sa harap ng mga miyembro ng Philippine Military Academy Alumni Association, Inc. (PMAAAI) sinabi ng pangulo na ang bise presidente ang nakasaad sa konstitusyon na humalili sa kaniya sakaling hindi niya matapos ang kaniyang termino hanggang 2022.
Ngunit ayon sa pangulo mahina sa diskarte si Robredo maging ang kaniya umanong mga ginagawang pahayag sa publiko.
Nilinaw naman ng pangulo na hindi niya intesyon na ma-offend si Robredo.
“Sa totoo lang, even her public statements I don’t mean to offend the lady, she’s very good, she’s gentle, pero mahina talaga si Leni. Mali mali ang medyo mahina ang hindi mahina ang utak, pumasa ng bar eh. Mahina sa diskarte.” Pahayag ni Duterte.