Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na kailangang mangurakot o magnakaw sa kaban ng bayan si DPWH Secretary Mark Villar.
Ito’y ayon sa Pangulo matapos niyang sabihin na talamak pa rin ang korapsyon sa ahensya.
Paliwanag ng Pangulong, mayaman naman na ang kalihim kaya’t wala nang rason para ito’y mangurakot pa.
Si Villar mayaman. Sec. Villar maraming pera hindi na kailangang mangurakot.” pahayag ni Pangulong Duterte
Sa tingin ng Pangulo, ang mga nasa ibaba o ‘yung mga ‘project engineers’ ang nangunguna sa korapsyon.
Karamihan diyan sa DPWH, mga project engineers, Ang problema sa baba malakas pa rin hanggang ngayon. Yung mga projects sa baba yun ang laro diyan.” dagdag ng Pangulo
Kasunod nito, nais ng Pangulo na isaayos at paigtingin ang structure sa ahensya para mapaganda ang mga ginagawang proyekto nito.
Sa huli, iginiit ni Pangulong Duterte, na wala siyang pinapatawad sa usapin ng korapsyon.
Basta corruption, walang patawad. I do not forgive cases sa corruption, wala talaga. Walang areglo, wala lahat.” ani Pangulong Duterte