Ikinairita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikisawsaw umano ni United Nations Special Rapporteur on the Independence of Judges and Lawyers Diego Garcia-Sayan sa pagpapatalsik ng Korte Suprema kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay, bago bumiyahe ng South Korea, hindi napigilan ni Pangulong Duterte na paliguan ng sermon ang UN official.
Nanindigan din ang Pangulo na hindi niya inimpluwensyahan ang desisyon ng mga mahistrado ng Supreme Court lalo ni Solicitor-General Jose Calida na nagsumite ng quo warranto petition laban kay Sereno.
He is not a special person and I do not recognize his rapporteur title. Tell him not to interfere, you can go to hell. Nakikialam ka sa internal problem ng country, he should not meddle with it. Pahayag ni Pangulong Duterte
Kapalaran ng TRAIN law, ipinauupabaya na ng Pangulo sa Kongreso
Ipinauubaya na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang magiging kapalaran ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.
Sa kanyang pag-alis patungong South Korea, inamin ni Pangulong Duterte na hindi naman niya saklaw ang desisyon ng mga mambabatas kung sususpendehin o a-amyendahan ang nasabing batas na inirereklamo na ng maraming consumer.
Actually, cost of money is a matter of a cycle of economy. But let me just give you, it is not totally the excuse. There seems to be a self-flagellation among a number of Filipinos. Paliwanag ni Pangulong Duterte
Sa issue naman ng hirit ng mga manggagawa na itaas pa ang minimum wage sa bansa, inihayag ng punong ehekutibo na sadyang mahirap magpasa ng batas hinggil sa umento sa sahod lalo’t maliit lamang ang ekonomiya ng Pilipinas.
Kung may sapat lamang aniyang resources ang bansa tulad ng langis na may malaking epekto sa ekonomiya ng mundo ay maaaring pagbigyan ang hiling ng mga manggagawa.