Kinasuhan ng grupo ng mga kababaihan ang presidential candidate na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa Commission on Human Rights (CHR) dahil sa rape joke.
Iginiit ng grupo sa kanilang reklamo na ang ginawa ni Duterte ay malinaw na paglabag sa “magna carta for women”.
Tinanggap naman ni Commission on Human Rights (CHR) Chairman Jose Luis Gascon ang nasabing reklamo at tiniyak na dadaan ito sa tamang proseso.
Ang nasabing reklamo ay pirmado ng mga kinatawan mula sa Coalition Against Trafficking in Women-Asia Pacific (CATW-AP), World March of Women-Pilipinas (WMW), Lilak (Purple Action for Indigenous Women’s Rights), Womanhealth Philippines, Kasarian-Kalayaan (Sarilaya), Sagip-Ilog Pilipinas, Sentro ng Manggagawa ng Pilipinas (Sentro), Labor Education and Research Network (LEARN), at Pilipina-ang Kilusan ng Kababaihang Pilipino.
By Meann Tanbio