Kinumpirma mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtungo siya sa Cardinal Santos Medical Center para magpatangin sa doktor noong Miyerkules.
Sa kanyang naging talumpati sa hapunan kasama ang mga miyembro ng Philippine Military Academy Alumni Association, Incorporated (PMAAAI) sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong Duterte na isang oras siyang nanatili sa nabanggit na ospital.
Kwento ng pangulo, nakatakda sana siyang magsagawa ng cabinet meeting pero sinabihan aniya siya na kailangang kumuhang muli ng samples ang kanyang doktor at magsagawa ng mga karagdagang test.
Sinabi pa ni Pangulong Duterte, sa ngayon ay wala pang resulta ang mga isinagawang test sa kanya.
Gayunman, pagtitiyak ng pangulo na agad niyang ipaaalam sa publiko sakaling lumabas na cancer ang kanyang sakit at kung nasa stage 3 na ay hindi na rin siya magpapagamot para hindi na rin aniya magtagal ang paghihirap ngtanggapan.