Kuntento ang Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pagtugon ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan at ng Local Government Units (LGUs) sa pagsalanta ng bagyong Tisoy.
Sa isang briefing sa Legazpi City, pinapurihan ng pangulo ang lahat ng ahensya ng pamahalaan at LGUs dahil alam anya ng lahat ang kanilang ginagawa bago at matapos na manalanta ang bagyo.
Inatasan ng pangulo ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na isumite agad ang kanilang report upang mapondohan ito.
Isa sa mga nakita ng pangulo na dapat bigyang pansin ay ang kontruksyon ng storm shelters mula sa northern Luzon hanggang Masbate.
“I don’t have to give any critique because everyone knew what to do before and after (the typhoon), I am more than satisfied with the performance of goverment,” ani Pangulong Rodrigo Duterte.