Maaari pa ring litisin ng International Criminal Court si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling maging pinal na ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC.
Ito ang tiniyak ni Mark Dillon, Information at Evidence Unit Head ng ICC-Office of the Prosecutor kina Bayan Secretary-General Renato Reyes at International People’s Tribunal (IPT) spokesman Peter Murphy.
Kabilang sina Reyes at Murphy sa nag-abot ng desisyon ng IPT na nagdiriin kay Pangulong Duterte sa reklamong gross human rights violations sa ICC noong Biyernes dahil sa war on drugs.
Ayon kay Reyes, nangangahulugan ito na kahit anong i-anunsyo ni Pangulong Duterte laban sa ICC ay walang magiging epekto sa nagpapatuloy na preliminary examination
Tinanggap aniya ng ICC ang mga dokumento at umaasa silang magkakaroon ng formal investigation at makatutulong ang kanilang isinumiteng reklamo upang maintindihan ang tunay na sitwasyon sa Pilipinas.