Naniniwala ang Malakanyang na kung si US President Donald Trump ang lider ngayon ng Pilipinas, hindi malayong ibasura din nito ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Manila at Washington.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, sa karakter at paninindigan ni Pres. Trump para sa national interest, posibleng tularan din nito ang ginawa ni Pang. Rodrigo Duterte.
Sakali naman aniyang si Pang. Duterte ang naging US President, marahil ganun din ang magiging reaksyon nito.
Matatandaang noong Miyerkules, sinabi ni Trump, na ok lamang ang ginawang pagbasura ng Pilipinas sa VFA dahil mas makakatipid aniya ang Estados Unidos.
Iginagalang naman ng Palasyo ang pananaw ng Presidente ng ng amerika hinggil sa usapin ng VFA termination.
Pahayag ni Panelo, dahil sa maingat at matalinong reaksyon ng US President sa ginawang pagkansela ng Philippine Government sa VFA, kaya’t nagpahayag si Pang. Duterte ng kanyang mariing pagsuporta kay Trump kung sakaling muli itong tumakbo sa susunod na eleksyon.