Nasa mas maayos nang kalagayan si Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong indahin ang pananakit ng kanyang likod dahil sa pagkasemplang sa morotsiklo.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakita ng mga doktor na mayroong muscle spasm ang pangulo.
Kaugnay nito, sinabi ng doktor na hindi naman kailangang sumailalim sa surgery ang pangulo ngunit kinakailangan niyang magpahinga, iwasan ang pagtayo at paglalakad ng mahabang oras at pag-inom ng gamot para maibsan ang kanyang nararamdamang sakit.
Una nang sumailalim sa Magnetic Resonance Imaging (MRI) at medical evaluation ang pangulo kahapon matapos na mapaaga ang uwi nito mula sa Japan dahil matinding sakit sa kanyang likod.