Sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bagong Taon kapiling ang kaniyang long-time partner na si Honeylet Avanceña.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, madiriwang ng Bagong Taon ang pangulo sa bahay niya sa Davao City kasama ang si Honeylet, anak at mga apo.
Ani Panelo, wala nang iba pang plano ang pangulo sa pagsalubong ng Bagong Taon kundi makasama ang kaniyang pamilya.
Magugunitang ipinagdiwang ng punong ehekutibo ang Pasko kasama ang kaniyang first family.