Nakatakda na umanong ideklara ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang pagsabak sa 2016 Presidential elections sa Paoay, Ilocos Norte sa darating na Sabado, Oktubre 10.
Ayon sa report, nakatanggap umano ng imbitasyon ang isang miyembro ng pamilya Marcos hinggil sa launching ng presidential bid ni Duterte sa nabanggit na lugar.
Sinasabing dadalo si Senador Bongbong Marcos sa naturang event.
Gayunman, itinanggi ito ni Christopher Go na isa sa mga malapit na supporter ni Duterte.
By Meann Tanbio
1 comment
I want Duterte for President ang BongbongmMarcos will be the vice president.