Tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara sya ng martial law kapag hindi natigil ang pag-atake ng New People’s Army (NPA).
Inihayag ito ng Pangulo sa harap ng pagkakapatay ng ‘di umano’y mga NPA sa dalawang sundalo na maghahatid lamang sana anya ng tulong sa ating mga kababayan.
Binigyang diin ng Pangulo na hindi sasantuhin ng kanyang idedeklarang martial law, maging ang mga legal fronts ng NPA.