Mayruong ilalabas na appointment paper ang Pangulong Rodrigo Duterte para gawing pormal ang panunungkulan ni Vice President Leni Robredo bilang co-chairman ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Tiniyak ito ni Presidential spokesman Salvador Panelo dahil cabinet rank ang alok ng pangulo kay Robredo para maging anti drug czar.
Ayon kay Panelo kapag miyembro na ng gabinete si Robredo hindi na ito kailangan pang padalhan ng pormal na imbitasyon para sa mga cabinet meeting at otomatiko nang isasalang sa performance evaluation ang trabaho ng bise presidente.
Mayruon aniyang tsansang masibak sa trabaho ang isang gabinete kapag hindi nakuntento ang pangulo sa kanilang performance.