Nakatakda nang magpaalam ngayong araw na ito sa mga empleyado ng Davao City government si incoming President Rodrigo Duterte.
Si Duterte ay makikipagkita sa mga empleyado ng City Hall ngayong umaga kung kailan din niya pupulungin ang mga Department head matapos ang flag raising ceremony.
Kadalasang hindi dumadalo sa flag raising ceremony si Duterte maliban na lamang kung mayroong ispesyal na okasyon at ipinamamahala ang city hall sa city administrator nitong si Atty. Melchor Quitain.
By Judith Larino