Magpapatawag ng special session ang Pangulong Rodrigo Duterte para maipasa ang panukalang stimulus package para sa COVID-19 response and recovery efforts.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na hihilingin nila sa Senado at Kamara na mag-convene sa isang special session para ma plantsa na ang mga detalye ng stimulus package.
Binigyang diin ni Roque na mahalagang ma extend ang bayanihan dahil maraming mga benepisyo tulad ng sa health workers ang natigil nang mag paso ang Bayanihan Act.
Una nang inihayag ni roque na P-140-B stimulus package lamang ang kakayanin ng gobyerno at kailangan pa ng ibang pondo para sa testing subsidies at pagkuha ng 50,000 contact tracers.