Hinarap nang malumanay ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sinibak na empleyado ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa isyu ng korupsyon.
Ipinabatid ni Senador Bong Go na hindi naman galit ang Pangulong Duterte sa mga empleyado ng Customs.
Una nang inihayag ng pangulo na paglilinisin niya ng water lily sa Ilog Pasig ang mga sinibak na empleyado ng Customs.
Samantala, pinasisibak ng ilang kongresista si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero dahil sa command responsibility.
Sinabi nina Parañaque City Congressman Joy Tambunting at ni Gabriela party-list Representative Arlene Brosas na kailangang harapin ni Guerrero ang accountability sa isyu ng katiwalian sa Adwana bilang pinuno ng ahensya.
Kilala anila ang BOC sa talamak na korupsyon kayat kailangang gumawa ng hakbang ng pamahalaan para maputol ang ugat nito.