Lamang na ng 12 puntos si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pinakabagong “Pulso ng Bayan” survey ng Pulse Asia.
Nakakuha si Duterte ng 35 percent na sinundan ni Senadora Grace Poe na may 23 percent.
Statistically tied naman sa ikatlong pwesto sina dating DILG Secretary Mar Roxas (17 percent) at Vice President Jejomar Binay (16 percent).
Nananatili namang kulelat si Senadora Miriam Defensor-Santiago na nakapagtala ng dalawang porsyento.
Isinagawa ang survey mula April 16 hanggang 20 sa may 1,800 respondents.
VP
Sa vice presidential pre-election survey naman na isinagawa ng Pulse Asia, nangunguna pa rin si Senador Bongbong Marcos na nakakuha ng 29 percent.
Pumangalawa si Liberal Party vice presidential bet Leni Robredo na may 24 percent.
Nasa ikatlong pwesto naman si Senador Chiz Escudero na nakakuha ng 18 percent.
Sinundan ito nina Senators Alan Peter Cayetano (16 percent), Gringo Honasan (4 percent) at Antonio Trillanes IV (3 percent).
Senatorial survey
Dinomina naman ng mga kasalukuyan at dating miyembro ng mataas na kapulungan ng kongreso ang senatorial survey ng Pulse Asia.
Nananatiling top choice si re-electionist Senator Tito Sotto na may 53.8 percent, habang pumangalawa si Senate President Franklin Drilon, 49.2 percent.
Sinundan naman ito nina dating Senador Francis Pangilinan (46.4 percent), Ping Lacson (39.1 percent) at Juan Miguel Zubiri (39 percent).
Filipino boxing icon at Sarangani Representative Manny Pacquiao (38.5 percent), Senador Serge Osmeña (37.9 percent) at dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros (36.3 percent).
Pasok din sa magic 12 sina Senador Ralph Recto (34.9 percent), dating Senador Richard Gordon (34.1 percent), Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian (33.8 percent), dating TESDA Director General Jose Villanueva (33.7 percent) at dating Justice Secretary Leila de Lima (32.3 percent).
By Meann Tanbio