Nanguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Nakakuha ng 27 percent si Duterte habang 23 percent naman ang nasungkit ni Senadora Grace Poe.
Kasunod naman dito sina Vice President Jejomar Binay na may 20 percent, dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na may 18 percent at Senadora Miriam Santiago na may 3 percent.
Umangat ng 4 percent si Duterte mula sa survey na isinagawa noong Marso 8 hanggang 11, taong kasalukuyan.
Ginawa ang survey mula Marso 30 hanggang Abril 2 kung saan 1,500 respondents ang isinaillaim umano sa face to face interview.
VP
Humataw naman si Senador Bongbong Marcos sa pinakahuling survey ng SWS.
Nakasungkit ng 26 percent si Marcos, na ka-tandem ni Presidentiable at Senadora Miriam Santiago.
Nabawasan naman ng 7 porsyento ang running mate ni Senadora Grace Poe na si Senador Francis Escudero na merong 21 percent na mas mababa kumpara sa 28 percent sa nakalipas na survey.
Si Administration bet Camarines Sur Representative Leni Robredo na ka-tandem ni Mar Roxas ay nakakuha ng 19 percent, habang 13 percent naman kay Senador Alan Peter Cayetano.
Napako naman sa 5 percent si Senador Gringo Honasan habang 1 percent lamang ang nasungkit ni Senador Antonio Trillanes IV.