May mga agam-agam ang Pangulong Rodrigo Duterte sakaling tanggapin nito ang imbitasyon ni U.S. President Donald Trump na magtungo sa Amerika.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, duda ang pangulo kung bibigyan sya ng visa para makapasok sa Amerika.
Posible rin anyang hindi magustuhan ng ilang U.S. senators sakaling umapak ang Pangulong Duterte sa Amerika.
Matatandaan na ilang U.S. senators ang nagtulak sa resolusyon na ilagay sa budget ng Amerika na pagbawalang makapasok ng Amerika ang mga opisyal ng Pilipinas na nasa likod ng pagpapakulong kay Senador Leila De Lima.
He (Duterte) said he has to ponder over it because he doesn’t want to go there and if he’s already there, some US senators might be unhappy seeing him there,” ani Panelo.