Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Simbahang Katolika partikular ang mga pari na patuloy na kumukuwestiyon sa kanyang anti-drug campaign at issue ng extrajudicial killings.
Sa oathtaking ng mga bagong promote na opisyal ng Philippine National Police (PNP), sinupalpal ni Pangulong Duterte ang patuloy na pag-iingay ng mga pari pero wala namang ginagawa ang mga ito para malutas ang problema sa droga.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Hindi rin pinalampas ng Pangulo na ungkatin ang mga kontrobersyang kinasangkutan ng Simbahang Katolika noong mga nakaraang administration.
Bahagi ng pahaayg ni Pangulong Rodrigo Duterte
Wala anyang karapatan ang Simbahang Katolika na batikusin ang gobyerno gayong halos wala namang pinagkaiba ang ilang government official at pari pagdating sa mga kinasasangkutang katiwalian at imoralidad.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Drew Nacino | Report from: Aileen Taliping (Patrol 23)
Photo Credit: EPA