May basehan ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkastigo nito kay Vice President Leni Robredo matapos siyang hanapin nito sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi siya sigurado kung nabigyan lamang ng maling impormasyon ang pangulo matapos na itanggi ni Robredo ang claim ng pangulo.
Sinabi ni Roque na sa tingin niya ay hindi maiirita ang pangulo kung wala itong personal na kaalaman hinggil sa paghahanap sa kanya ni Robredo, publiko o pribado man.
Magugunitang mahigit 20 minuto ng halos isang oras na ulat sa bayan ng pangulo ay inilaan nito sa pagbatikos kay Robredo na aniya’y hindi karapat-dapat manguna sa bansa.