Nanindigan ang Human Rights Watch na may sapat na batayan sila upang kasuhan sa International Court at mapanagot si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa tumataas na kaso ng extrajudicial killings sa Pilipinas.
Ayon kay Human Rights Watch Deputy Director for Asia Phelim Kine, malinaw na ang mga binitiwang pahayag ng Pangulo ang nagtulak sa mga awtoridad na magsagawa ng mga walang habas na pagpatay.
Lumalabas din sa imbestigasyon ng grupo na mismong ang mga pulis ang nagtatanim ng mga ebidensya gaya ng baril para palabasing shootout ang nangyari at hindi EJK.
Maliban dito, ang mga naitatala rin anilang vigilante killings ay kagagawan umano mismo ng mga pulis.
Sinabi ni Kine na dahil sa command responsibility ay maaaring mapanagot ang Pangulong Duterte at maaaring sa kulungan ang bagsak nito pagtapos ng termino nito.
By Ralph Obina