Posibleng ginagamitan ng Pangulong Rodrigo Duterte ng ibang strategy ang China para ipasok ang usapin ng pinag-aagawang mga teritoryo sa South China Sea.
Ito ang paniniwala ni Professor Clarita Carlos, isang political analyst sa harap ng pagtanggi ng Pangulo na buksan sa pamunuan ng China ang pag-uusap hinggil sa pag-angkin nila sa mga inaangking teritoryo ng Pilipinas sa South China Sea o West Philippine Sea.
Ayon kay Carlos, ang pinakapunto ng state visit ng Pangulo sa China ngayon ay magkaroon ng mga kasunduan para sa kalakalan.
Bahagi ng pahayag ni Professor Clarita Carlos, Political Analyst
Infrastracture fund
Samantala, tatlong (3) bilyong dolyar na halaga ng imprastraktura ang di umano’y target ilagak ng China Railway Engineering Corporation o CREC sa Pilipinas sa susunod na taon.
Sinasabing isa ito sa mga kasunduang papasukin ng CREC sa mga negosyanteng kasama ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang biyahe sa China.
Inaasahang kasama sa mapagkakasunduan ang planong Mindanao Railway System ng administrasyong Duterte.
Sakaling matuloy, ang malakihang proyekto ay isasailalim sa PPP o Public Private Partnership network.
By Len Aguirre | Ratsada Balita