May kondisyon si Davao City Rodrigo Duterte sa Commission on Elections (COMELEC) bago makiisa sa ilalarga nitong presidential debate.
Ayon kay Duterte, kailangan muna siyang ideklarang opisyal na kandidato sa pagka-Pangulo bago siya sumali sa anumang debate.
Mabuti aniyang resolbahin muna ng COMELEC ang disqualification case laban sa kanya upang maging malinaw.
Sa ngayon ay nananatili sa opisyal na listahan ng mga kakandidato sa pagka-Pangulo si Duterte gayundin si Senator Grace Poe habang hinihintay ang mga magiging ruling sa kani-kanilang mga disqualification cases.
By Rianne Briones